[FEATURE] Ang Oportunidad na Binuksan ng Learniversity

Ang Oportunidad na Binuksan ng Learniversity

by Fren Alexandra Lutao and Krizem-Gee Bacena

Official Poster

Sa pangunguna ng GMA News TV, isinagawa ng AMA Computer College Makati ang Learniversity: A Day of Career Talks and Learning Exhibits. #Learniversity na dinaluhan ng mga bisita galing sa kilalang network na una sa paghahatid ng balita sa loob at labas ng bansa; ang GMA NEWS Public affairs. Kasama ang AMA Computer College Makati na naglunsad ng paksa at palatuntunan na naganap nitong ika-14 ng Pebrero, taon 2020.

Sa unang parte ng diskusyon na may temang "Achieving Your Career Goals: Preparing Gen Z's as they start on their career journey", naglahad ng kaniya-kaniyang karanasan sina Gng. Lizelle C. Maralag, Chief Marketing Officer ng GMA Networks at Gng. Christine Lao, Marketing Director ng McDonalds Phillipines sa pagtahak ng kani-kaniyang karera na
napili. Binigyang-diin ng dalawa kung paano pumili ng karerang tatahakin at tips sa pagkuha ng mga kurso, "choose a course that will make you happy" payo ni Gng. Christine Lao sa mga estudyante. "Take things one at a time", dagdag naman ni Gng. Lizelle Maralag. 

Sa ikalawang parte naman ng diskusyon, ipinakilala ng mga hosts sila Ginoo Aaron David , Co-founder ng Bukidfresh at sina Rosiell at Ruby De Leon , may-ari ng Bianca's Ice Candy na siya namang naglahad ng mga karanasan sa paksang "Humble Beginnings: Journey to Success". Inilahad ng mga panelista ang naging simula ng kanilang mga hanap-buhay at ang hirap bago nila ito nakamit. Gaya na lamang nila Gng. Rosielle at Ginoo Ruby De Leon na nagsimula sa puhunan na bente pesos na kalaunan ay umunlad sa karerang tinahak. Nagbigay ng mga payo ang mga panelista bilang sagot sa mga tanong ng mga estudyante.

"LETS TALK BUSINESS; Guide to starting a business" ang naging pangatlong sentro ng diskusyon. Nakapanayam sina Kris Bernal, isang sikat na artisa sa GMA Network at isang entrepreneur na may-ari ng “She Cosmetics” at “House of Goji”. Kasama niya rito si Javier Villaruel, ang may-ari ng “Bayongciaga” at “House Breakfast Manila”. Nag bahagi sila ng kanilang paraan kung paano umunlad ang kanilang mga negosyo att nagbigay sila ng kaalaman kung paano magsimula ng isang negosyo.

Tinalakay naman sa pang-apat na diskusyon ang tungkol sa “Mental Health”, Naging panelist sina Dr. Cely Magpantay TPC, punong tagapamahala ng St. Lukes Clinical Psychology, Ms. Kate Ante isang adbokasya sa pangkalusugang mentalidad, at si Ms. Mikee Quintos, isang artista at #HeartoverHate adbokasya. Nagbigay ng mga payo tungkol sa mental health para sa lahat. Pagsisimula sa paksang “mentalidad”, ayon kay Dr. Cely, ang mentalidad ay isang paksa na dapat may patnubay ng isang counselor o head ng eskwelahan. Ilan sa mga halimbawa ay ang hindi makatulog ng maayos at palaging balisa. Ayon naman kay Ms. Kate ay isang karanasan ng tao ay ang dahilan ng pagkakaroon ng depresyon ay dahil sa stress na nangyayari sa isang tao araw-araw at nangangailangan ng tamang pag-aasikaso. Ang pahayag naman ni Ms Mikee Quintos ay isang malungkot na karanasan , palaging pinagduduhan ang sarili sa kapasidad ng kanyang magagawa, Pag hingi ng tulong at pagkilala sa sarili.

Ang huling tinalakay naman ay tungkol sa "ONLINE IDENTITY AND PRESENCE;
Establishing the presence and staying relevant"
. Dito tinutukoy ang sarili at ng presensya ng algorithm sa kabuuuang social media. Sina Mr. Jules Garcia, isang Social Media Asst. Manager ng GMA public affairs, at si Miss LJ Reyes isang kapuso aktres at nagpapatakbo ng “Jane kit” at MApp ang nakapanayam ng host. Ayon sa kanila, ang social medya ay may algorithm platform na sumasaklaw sa paksang makabuluhan o tinatawag na updated at pang  araw– araw na nangyayari sa buhay ng tao. Hindi lamang iyan, kundi nasa higit na sampu pataas ang paksang makikita sa social media na pawing gawa gawa lamang at walang makabuluhang patunay. Dahil ang buhay ng tao ay nakatuon sa facebook at iba pang medium, normal na sa ating mga Pilipino ang makaranas nito tuwing pagpasok at pag – uwi sa tahanan kaya’t naimungkahi nila na proteksyonan ang mga inilalathala at wag patumpik tumpik sa mga ibang nababasa, maraang mag imbestiga at humanap ng pruweba na nagpapatunay na ang iyong inilalathala ay pawing katotohanan lamang kaya’t #think before you click munting paalala ng GMA News and public affairs media.

Malaki ang pasasalamat ng AMA Education System at AMA College Makati sa GMA News TV sa pagbibigay ng oportunidad na magkaroon ng maraming kaalaman ang mga mag-aaral sa larangan ng pagnenegosyo.

Fren Alexandra Lutao


Support us by reading our works at
The AMA EYE
Like our FB page at The AMA EYE Facebook
Subscribe to our Youtube at The AMA EYE Youtube















Comments

Popular posts from this blog

[ANNOUNCEMENT] AMACC Makati; The Unofficial List of SHS Candidates for Graduation 2020

[ANNOUNCEMENT] How to Access your LMS?